Connect with us

Published

on

A Filipino take on musical film, Ang Larawan offered novelty to movie-goers in last month’s Metro Manila Film Festival (MMFF)—a novelty which sharply contrasted with the film’s evocation of nostalgia for antebellum Manila.

Nonetheless, it was this novelty of portraying a bygone era which made Ang Larawan stand out among last year’s MMFF “Magic 8,” a far cry from 2016’s indie-centric film lineup.

Directed by Loy Arcenas, a former Broadway production designer, it does not come as a surprise that Ang Larawan—an adaptation of the 1997 stage play Ang Larawan: The Musical, which had its 1998 restaging written by National Artist for Literature Nick Joaquin, which in turn was also an adaption of an earlier play A Portrait of the Artist as Filipino, also by Joaquinplays out, at times, like a stage play, which is not necessarily a bad thing.

The film’s roots in theater are, nonetheless, evident everywhere: Ang Larawan stars big names in Philippine theater like Joanna Ampil and Celeste Legaspi, its libretto written by the late National Artist for Theatre and Literature Ronald Tinio, with music carefully orchestrated by the great Ryan Cayabyab.

It seems strange for an evidently well-crafted film to be cut short from the “Magic 8” after the opening week, but Ang Larawan emerged as a critical success, bagging six awardsincluding the award for the Best Picture.

For those unfamiliar with the plot, Ang Larawan revolves around the Marasigan sisters, Candida (Ampil) and Paula (Rachel Alejandro), and a portrait painted by their father Don Lorenzo Marasigan, who was revered as “Don Lorenzo del Magnifico” and known to be a friend and rival of famed artist Juan Luna.

The dilemma begins when Don Lorenzo ceases producing paintings, bringing financial problems to the family. His last painting, the film’ titular portrait, is considered to be his obra maestra, and thus, much to the ire of the two sisters, everyone now wants to see it.

However, the titular portrait was never given an exact depiction in the film, and this helped in heightening the mysterious nature and ambiguity of the painting and that of the film itself, with its extravagance left to the audience’s imagination through the descriptions made by various characters: One of the characters, Bitoy Camacho (Sandino Martin), described the portrait as chilling as if its subjects were omniscient and the others were quick to relate the painting to a scene in the Roman epic Aenid where Aeneas carried his old father Anchises on his back as they fled the burning city of Troy.

The unravelling of the meaning of the portraitand the importance of the house to the people surrounding Paula and Candidawas not given in a snap, it was more of a realization as the film progressed. This can be seen through the effect of the house and of the painting itself to the characters. The Marasigan mansion, in a way, becomes a memento of the beauty and the blissfulness that the Arts have once brought upon these people in the past as it was a place well-known because of tertulias where literary and artistic activities were very much alive.

Meanwhile, the portrait symbolized Filipino society’s transition into American colonization and the influx of new ideas, and the place of the Arts in that particular point in time of Filipino society: Art done not for art’s sake or for society but clouded by the awful ideals of materialism and greed for wealth and power

This was succinctly summarized by Don Perico (Robert Arevalo): “The portrait is the artist and his conscience,” and to make his statement stronger, Don Perico was once a poet who turned away from writing and instead entered politics as a senator since writing poems can not feed his family, but alas, when he returned to the Marasigan mansion and after Candida asked him self-examination questions, the poet inside him resurfaced.

Even if the film is a historical period drama, there are elements of the film’s narrative that can serve as commentary for the present. Set in pre-war Manila, it seems that the film’s characters were only experiencing the proto-effect of modernism to arts and yet they were very alarmed to the point that Don Lorenzo confined himself in his room for a year because the sisters wanted him to be more like Don Perico, to succumb to materialism in order to have a better way of living.

The greatness of Ang Larawan lies not only on the added challenge of requiring the actors to deliver a dialogue and sing at the same time but on the afterthought that it gives its audience. This is a film that ignites the renaissance of arts in the Philippine society today by showing the audience that not all things can be valued with money or capital.

Like other MMFF films, Ang Larawan shows familial love and Filipino culture but what makes it different lies on the perspective of the viewer: How would you interpret the painting?

Comments

#TWBlogs

Pista ng Pelikulang Pilipino, narito na!

Published

on

Larawan mula sa opisyal na Facebook ng Pista ng Pelikulang Pilipino

DISCLAIMER: Ang mga poster na kalakip ng lathalain ay hindi pagmamay-ari ng TomasinoWeb.

Salubungin at tunghayan ang pagbabalik sa takilya ngayong taon ng mga pelikulang mula sa mapaglarong imahinasyon at kahusayan ng mga Pilipino sa larangan ng sinematograpiya at produksiyon.

Ang Pista ng Pelikulang Pilipino o PPP ay isang linggong selebrasyon na kaugnay sa paggunita ng Buwan ng Wika ngayong Agosto. Sa pagdiriwang na ito, bibigyan ng pagkakataon ang ating mga filmmakers  upang isapubliko at maipabatid sa lahat ang kanilang mga likhang-sining na sumasaklaw sa mga kuwentong Pilipino.

Sa selebrasyon ng ikalawang anibersaryo ng PPP, inihahatid muli ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang iba’t ibang mga dyanra at bagong palabas na ibibida sa mga teatro’t sinehan sa bansa.

Narito ang mga full length na pelikulang kalahok sa kapistahan:

 

  1. Ang Babaeng Allergic sa WiFi ni Jun Robles Lana
    108 na minuto | Romantic ComedyDulot ng labis na pagkahumaling sa social media, si Norma (Sue Ramirez), isang tinedyer, ay nagkaroon ng Electromagnetic Hypersensitivity (EHS) syndrome – isang bihirang karamdaman na kung saan ay mahipit na ipinagbabawal sa kanya ang paggamit ng anumang gadgets at WiFi. Dahil sa kanyang kondisyon, napilitan siyang manirahan sa isang probinsya at malayo sa kanyang nobyong si Leo (Markus Paterson). Habang nasa probinsya, ginugugol niya ang kanyang oras kasama si Aries (Jameson Blake) – ang kapatid ni Leo na siyang madalas bumisita sa kanya.
  2. Bakwit Boys ni Jason Paul Laxamana
    110 na minuto | Drama & MusicalGagampanan nina Ryle Santiago, Nikko Natividad, Vance Larena at Mackie Empuerto ang papel ng apat na magkakapatid na tubong Isabela. Kasabay ng paghagupit ng isang kalamidad sa kanilang lugar ay ang paggunaw ng pag-asa nilang maabot ang kanilang pangarap. Nilisan nila ang kanilang probinsya at tumungo sa Pampanga upang manirahan kasama ng kanilang lolo. Nagsimula silang muling tumugtog sa mga pistang dinaraos sa kanilang bayan at doon nadiskubre ni Rose (Devon Seron) – isang babaeng mula sa isang maykayang pamilya, ang kanilang munting talento at tinulungan sila nito sa paglikha ng sarili nilang musika.

  3. Madilim ang Gabi ni Adolfo Alix Jr.
    115 na minuto | ThrillerIsang dagok ang dumating sa buhay ng mag-asawang Sara at Lando (Gina Alajar & Philip Salvador) nang mapag-alamang nawawala ang kanilang anak na si Allan (Felix Roco) na isang drug addict. Mas tumitindi ang takot at pag-aalala na bumabalot sa damdamin ng dalawa dahil habang lumilipas ang panahon ay tumataas ang bilang ng mga nagiging biktima ng Oplan Tokhang isang kampanyang inilunsad ng gobyerno laban sa paggamit ng droga, sa kanilang siyudad.

  4. Pinay Beauty ni Jay Abello
    104 na minuto | ComedySa lipunang puno ng pamantayan sa kagandahan, isang dalagita (Chai Fonacier) ang nagnanais na sumailalim sa isang operasyon upang baguhin ang kanyang anyo at magmukhang isang Caucasian. Umutang ng malaking halaga ang kanyang nobyo (Edgar Allan Guzman) sa isang usurero upang tugunan ang kanyang kagustuhan.

  5. Signal Rock ni Chito Roño
    130 na minutoBatay sa tunay na karanasan, ang istoryang ito ay iikot sa buhay ni Intoy Abakan (Christian Bable) – isang binatang nangangarap ng isang kumpletong pamilya. Sa hirap ng buhay, lumipad patungong ibang bansa at nakapag-asawa ng isang banyaga ang kanyang nakatatandang kapatid na si Vicky dahil sa pagkakaakalang iyon ang sagot upang maihaon ang kanilang pamilya sa hirap. Nakaranas si Vicky ng pang-aabuso mula sa asawa at humingi ito ng tulong mula kay Intoy upang mabawi ang anak na babae. Upang makausap ang kapatid, inaakyat ni Intoy ang rock formations– ang tanging lugar sa kanilang isla na nakapagbibigay ng senyal sa kanyang telepono.

  6. The Day After Valentine’s ni Jason Paul Laxamana
    114 na minuto | Romance & DramaSa paghahanap ni Kai (JC Santos) ng sagot sa kanyang mga katanungan ay nakilala niya si Lani (Bela Padilla) – isang babaeng matatag at wari’y maraming baon na sagot sa lahat ng problema. Sa pagkukrus ng kanilang mga landas, ang kani-kanilang mga tanong ay mabibigyan ng sagot sa hindi inaasahang paraan.

  7. Unli Life ni Miko Livelo
    103 na minuto | ComedyAng gabing inakala ni Benedict (Vhong Navarro) na magiging puno ng kasiyahan ay napalitan ng pighati’t kalungkutan nang nakipaghiwalay sa kanya ang nobyang si Victoria (Winwyn Marquez) bago pa man niya ito alukin ng pagpapakasal. Lumagi siya sa isang bar at isang inumin ang ibinigay sa kanya ng bartender na si Sir Saro (Joey Marquez)–ang inuming babago sa takbo ng kanyang kapalaran at makapagbabalik sa kanya sa nakaraan.

  8. We Will Not Die Tonight ni Richard Somes
    115 na minuto | Action & Thriller
    Si Kray (Erich Gonzales) ay isang stunt performer. Sa kabila ng paghina ng kanyang karera ay itinuloy pa rin niya ang kanyang trabaho. At dahil sa matinding pangangailangan sa pera ay nag-atubili siyang pumayag na sumabak sa isang misyon kasama ng kanyang mga kaibigan na sa huli ay maglalagay sa kanila sa kapahamakan.  Bukod sa walong pangunahing pelikula, tampok din sa kapistahan ang Special Feature Section kung saan bibigyan ng oportunidad na mapanuod ng madla ang mga pelikulang nagkamit ng parangal sa mga lokal na independent film festivals noong nakaraang taon.Ang mga full length na pelikulang kalahok sa kapistahan ay mapapanood mula Agosto 15 hanggang Agosto 21, 2018 sa lahat ng teatro at sinehan sa bansa. Habang ang mga pelikulang nakapaloob sa espesyal na seksyon ay mapapanuod lamang sa mga piling sinehan ng SM Manila, SM Sta. Mesa, SM North Edsa, SM Fairview, SM Mall of Asia, SM Megamall, Gateway Cineplex at Robinsons Galleria sa parehong petsa.

    Para sa iba pang detalye at anunsiyo, bisitahin ang kanilang Facebook page.We Will Not Die Tonight ni Richard Somes

 

 

Comments

Continue Reading

Blogs

Mga pelikulang mapagpalaya: ang 20 pelikula ng Cinemalaya

Sa panahon ngayon kung saan unti-unti nang nawawala ang laya natin para makita ang realidad, palayain ang sarili gamit ang mga kwentong pupukaw sa inyong kamalayan.

Published

on

cinemalaya 14 poster
Larawan mula sa opisyal na Facebook ng Cinemalaya

DISCLAIMER: Ang mga poster na nakapaloob sa lathalaing ito ay hindi pagmamay-ari ng TomasinoWeb.

Sa panahon ngayon kung saan unti-unti nang nawawala ang laya natin para makita ang realidad, palayain ang sarili gamit ang mga kwentong pupukaw sa inyong kamalayan.

Hango sa temang “Wings of Vision,” hatid ng ika-14 na taon ng Cinemalaya ang 10 full-length na pelikula at 10 maiikling pelikula na magiging kabilang sa paligsahan ngayong taon. Iisa man ang temang tinahak, malugod nitong ipriniprisinta ang mga palabas na iba-iba ang dyanra at paksang tinatalakay.

Bilang na lang ang araw upang mapanood ang mga pelikulang kabilang dito. Huwag palampasin ang pagkakataon!

Narito ang listahan ng maari niyong mapanood hanggang sa Linggo.

distance poster

1. Distance ni Percival Intalan

100 na minuto | Drama | PG

Sa kalabisan ng pighati’t lumbay, susubukan ni Liza (Iza Calzado) na bumalik sa pamilyang kaniyang inabandona nang limang taon. Paano nga ba nito muling makukuha ang loob ng kaniyang asawa’t dalawang anak? Sa kabila ng distansyang namumutawi sa loob ng silid, sisikaping punan ni Liza ang kaniyang mga pagkukulang bilang isang asawa’t ina.

kung paano hinihintay ang dapithapon poster

2. Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon (Waiting for Sunset) ni Carlo Encisco Catu

90 na minuto | Drama | PG

Hindi tulad ng ibang magkasintahan, si Teresa (Perla Bautista)  at ang kanyang live-in partner na si Celso (Menggie Cobbarubias)  ay may katandaan na. Sa gulang na tila napaglipasan na ng panahon, pinipilit ng dalawa na payabungin ang kanilang pagsasama upang hindi makaramdam ng pananawa. Ngunit, isang gabi nakatanggap ng tawag si Teresa mula sa kanyang dating asawa na si Benedicto (Dante Rivero) na may malubhang sakit at humihingi ng kalinga.

Sa muling pagkukrus ng nakaraan at kasalukuyang pag-ibig, paano nga ba dadalhin ng katauhan ni Teresa ang ibinigay ng tadhana? Sa kanilang paghihintay sa dapithapon, magkakaroon pa rin kaya ng puwang ang pagmamahal at pagpapatawad?

kuya wes poster

3. Kuya Wes ni James Robin Mayo

90 na minuto | Komedya | G

Gagampanan ni Ogie Alcasid ang katauhan ni Kuya Wes – isang masigasig at may pagkamahiyaing ‘remmitance clerk’ na ramdam ang pagkawalan ng importansya mula sa kaniyang kapatid na si Raf at sa pamilya nito. Nasasalat lamang niya ang halaga sa kaniyang trabaho, lalo na’t buwanan ang pagbisita ni Erika (Ina Raymundo) rito – ang customer na kaniyang natitipuhan. Ngunit, sa ‘di inaasahang pangyayari, hiniwalayan si Erika ng kaniyang asawang nasa ibang bansa.

liway poster

4. Liway ni Kip Oebanda

100 na minuto | Drama | PG

Hango mismo sa kuwento ng direktor noong kapanahunan ng Martial Law, ang “Liway” ay umiikot sa karakter ni Day (Glaiza de Castro) – isang butihing inang handang protektahan ang kaniyang anak na si Dakip mula sa mabagsik na realidad ng kanilang mundong ginagalawan.

Ang mag-asawang si Day at Ric, kasama ang anak nilang si Dakip, ay naninirahan sa Camp Delgado – isang seldang para sa mga rebelde’t kriminal na nakapaloob sa isang kampong pangmilitar. Sa gitna ng mga paghihirap nila sa kulungan, ipinagkalooban ni Day ang kaniyang anak ng mga kanta’t mapanlikhang kwento – mawalay lamang ito sa mga traumatikong pangyayari kanilang dinaranas.

mamang poster

5. Mamang ni Denise O’hara

90 na minuto | Komedya & Drama | PG

Dulot ng katandaan, si Mamang, kaagapay ang kanyang anak na si Ferdie, ay lumalaban sa sakit na dementia. Hindi nagtagal, lumala ang kondisyon nito at hindi na matukoy ang pinagkaiba ng realidad mula sa memorya ng nakaraan.

ml poster

6. ML ni Benedict Mique

90 na minuto | Suspense Thriller | R-16

Dahil sa pagtatanggol ni Carlo sa Martial Law, hinamon siya ng kanyang guro upang patunayan ang kanyang pahayag. Sa paghahanap ng kasagutan, kasama ang kanyang kasintahan at kaibigan, nakilala nila ang isang matandang retiradong sundalo na magiging daan sa pagtuklas sa katotohanan. Mananatili pa kaya ang magandang pagtingin ni Carlo matapos ang lahat?

musmos na sumibol sa gubat ng digma poster

7. Musmos na Sumibol sa Gubat ng Digma (Unless the Water is Safer than the Land) ni Lionel Arondaing

105 na minuto | Social Drama |G

Sa kabila ng hidwaan na nagmula sa kultura, nagtapo ang landas ng dalawang bata mula sa magkaibang angkan. Sa loob ng pitong araw pinili nila na tumira sa gitna ng kagubatan upang makatakas gulo. At sa mga ng pamamalagi sumibol ang pagmamahal at pagkakaibigan.

pan de salawal poster

8. Pan de Salawal (The Sweet taste of Salted Bread and Undies) ni Anna Francesca Espiritu

100 na minuto | Drama | G

Ang bawat araw ay isang malaking dagok para sa mga taong nakatira malapit sa riles, kabilang na dito si Sal. Si Sal ay 78-anyos na panaderong may sakit sa bato. Dahil sa kanyang malubhang karamdaman, binalak nitong magpasagasa sa tren. Ngunit sa pagdating ni Aguy, isang bibong bata, nag-iba ang lahat. Sa hindi mapaliwanang na rason, ang bata ay kayang magpagaling ng may karamdaman sa pamamagitan ng sampal o suntok. Marami sa lugar na iyon ang natulungan ni Aguy, maliban na lang kay Sal. Sa paglala ng sakit ng panadero, nagdesisyon si Aguy na gawin ang pinakamasakit na sakripisyo para sa kaibigang tinuring siyang anak.

school service poster

9. School Service ni Luisito Ignacio

95 na minuto | Social Drama | R-13

Sa libo-libong mga bata na nagkalat sa lansangan ng Maynila, anu-ano kayang mga kwento ang hatid ng bawat isa?

Si Maya, isang walong-taong-gulang na bata sa probinsya, ay tinatahak ang daan mula eskuwela patungo sa kaniyang bahay. Habang naglalakad, isang ‘School Service’, na sa hindi inaakalang pagkakatao’y mga sindikato pala, ang nagpumilit na siya’y ihatid na pauwi. Hatid ng kamusmusan, si Maya – kasama ang iba pang mga inosenteng bata – ay itinapon sa Maynila upang mamalimos kung saan-saan. Maatim pa kaya ni Maya ang mangarap para sa kaniyang kinabukasan? Madadakot pa kaya nito ang kalayaan bilang biktima ng ‘School Service’?

the lookout poster

10. The Lookout ni Afi Africa

105 na minuto | Psycho-Drama | PG

Sa mundo kung saan talamak ang panghuhusga’t panunupil, nariyan si Lester Quiambao (Andres Vasquez) – isang baklang ‘hired killer’. Bata pa lamang, inihubog na ng kaniyang relasyon sa mga mapang-abusong tao ang kaniyang puso na ngayo’y puno nang hinagpis at kabuhungan. Upang makaganti sa masalimuot na nakaraan nito, kakailanganin niyang pagtaksilan si Travis Concepcion (Jay Garcia) – ang lalaking kaniyang minamahal. Magawa nga kaya ni Lester na talurisain ang kaniyang minamahal? O mahahadlangan ito ng kaniyang pag-ibig para kay Travis?

SHORT FEATURE

si astri maka si tambulah poster

1. Si Astra Maka Si Tambulah (Astri and Tambulah) ni Xeph Suarez

18 na minuto | Fiction, Drama | PG

Sa isang pag-iibigan, paano nga bang maaring hadlangan ng tradisyon ang pagmamahalan ng isang lalaking cisgender at isang transwoman mula sa tribo ng Badjao? Bukod sa pag-ibig at tradisyon, ayon sa may akda, nais din ng pelikula na ipakita ang iba pang suliranin na kinakaharap ng komunidad ng LGBT.

jodilerks dela cruz poster

2. Jodilerks Dela Cruz, Employee of the Month ni Carlo Francisco Mantad

13 na minuto | Dark Comedy | R-13

Ang dedikasyon ni Jodilerks sa kanyang trabaho ay hindi matatawaran ngunit dahil sa nagbabadyang pagsara ng gasolinahan, ang trabahong kanyang nakagisnan ay mawawala na. Paano nga bang haharapin ni Jodilerks ang kanyang huling gabi bilang gas station attendant?

logro poster

3. Logro ni Kani Villaflor

15 na minuto | Drama | PG

Sawa na sa pagtrato’t sahod na natatanggap sa isang karinderya, tatahakin ni Bruno ang mundo ng “Underground Fighting” sa kabila ng pagiging pandak upang mapanalunan ang premyo’t makamit ang kaniyang ambisyon sa buhay. Mapagtagumpayan kaya ito ni Bruno? O tuluyan na lamang lilimitahan ng mapanghusgang lipunan ang kaniyang mga pangarap para sa sarili?

sa saiyang isla poster

4. Sa Saiyang Isla (In his Island) ni Christian Candelaria

20 na minuto | Drama | G

Sa kabila ng pagdurusa ng mga mangingisda sa nararanasang oil spill, may isang batang lalaki ang magbibigay ng galak sa madla sa pamamagitan ng kanyang mga kwento at pangarap na maging sirena.

nangungupahan poster

5. Nangungupahan (Who Rents there now?) ni Glenn Barit

12 na minuto | Drama, Family, Experimental | G

Tinatalakay nito ang bawat istoryang nakatatak sa isipan ng mga nanirahan sa isang kuwarto sa magkakaibang panahon. Bagamat nanirahan sa magkaparehong silid, iba-iba ang naging pamumuhay ng mga ito. Sa pamamagitan ng paghahabi ng kanilang mga alaala sa kuwartong iyon, sa huli ay mapagtatantong hindi lamang espasyo ang kanilang ibinahagi sa isa’t isa, bagkus, gayundin ang mga memoryang isa-isa nilang itinatak sa espayong iyon.

you me mr wiggles poster

6. You, Me and Mr. Wiggles ni Jay Velasco

19 na minuto | Drama, Comedy, Experimental | R-18

Kung kailan tila magkasundo’t magkatugma na para sa isa’t isa, susubukin ng tadhana ang relasyon nina Carlo at Anj sa pamamagitan ng isang gabi. Isang gabing may hatid na sorpresa’t balakid sa pagtatalik ng magkasintahan. Ituloy pa kaya ni Anj ang kaniyang relasyon kay Carlo gayong alam na niyang ito’y may ‘erectile dysfunction’? O tuluyan na kayang manlambot ang pagsasama ng dalawa?

babylon poster

7. Babylon ni Keith Deligero

20 na minuto | Drama, Comedy, Satire | R -13

Upang magawa ang misyon na patayin ang diktador, kinakailangan ng dalawang batang babae na maglakbay sa ibang panahon. Sa paglipat ng panibagong dimensyon, makakaranas ang dalawa ng mga kakaibang pangyayari tulad ng pagsasalita ng mga tandang at iba pa.

kiko poster

8. Kiko ni Jojo Driz

19:33 na minuto | Drama | R-16

Ang pagiging matanda at bulag ay hindi naging hadlang kay Kiko upang buhayin ang kanyang mga mahal sa buhay. Sa pamamagitan ng pagiging labandera, nasusuportahan nito ang kanyang ampon na si Ton-ton at ang lalaking kaniyang minamahal na si Rex.

siyudad sa bulawan poster

9. Siyudad sa Bulawan (City of Gold)  ni Jarell Serencio

15:16 na minuto | Drama | G

Ang magkakapatid na sina Yoyong, Abet, at Darwin ay papasukin ang madilim na kuweba ng Mt. Diwalwal sa Compostella Valley upang magmina ng ginto. Sa kabila ng panganib na dala ng iba pang mga nagmimina, maglalakas loob ang mga musmos na ito makapag-aral lamang at makaangat sa hirap ng buhay. Gaya ng kanilang minimina, kuminang naman kaya ang kanilang kinabukasan? O mawawalan na lamang sila ng pag-asa gaya ng gintong unti-unti nilang inuubos sa bundok?

yakap poster

10. Yakap (Embrace) ni Mika Fabella at Rafael Froilan

6 na minuto | Drama, Experimental | G

Nakaratay sa kama, isang babae ang kinakapusan na nang hininga. Sa nalalapit niyang pagpanaw, unti-unti niyang binibisita ang mga gunitain ng mga alaalang ‘di malilimutan. Kaakibat nito’y ang paglitaw ng isang lalaking pamilyar ang mukha na tila kaniyang tagapagsundo. Handa na kaya itong yakapin ang katotohanang kaniya nang lilisanin ang mundong ibabaw?

 

Ang mga Full Length at Short Features ay mapapanuod sa Cultural Center of the Philippines, Glorietta, Greenbelt 1, Trinoma, UP Town Center, at Legazpi City.  Bisitahin ang website ng Cinemalaya  http://www.cinemalaya.org/ upang makita ang iba pang detalye.

Comments

Continue Reading

Blogs

San kakanin? 6 na kakanin na paboritong ihanda sa merienda

Lasa ng gata, gatas, keso, mais, o kaning malagkit—lahat ng ito ang maibibigay sa’yo ng mga kakaning Pinoy!

Published

on

merienda all
Likhang-sining ni Geneva Garcia/TomasinoWeb.

Likas sa ating mga Pilipino ang pagkahilig sa pagkain. Sa dami pa lang ng ating okasyon tulad ng pista, pasko, at kaarawan, hindi maipakakaila na masipag tayo maghanda. At ang kalimitang handa ay ang mga panghimagas na kadalasa’y gawa sa pinakamamahal nating pagkain, ang kanin.

Lasa ng gata, gatas, keso, mais, o kaning malagkit—lahat ng ito ang maibibigay sa’yo ng mga kakaning Pinoy!

  1. Puto Bumbong

merienda puto bumbong

Likhang-sining ni Geneva Garcia/TomasinoWeb.

Sa pagpatak ng panahon ng Simbang Gabi, sunod-sunod nang magsusulputan ang mga tindahan nito sa tapat ng bawat simbahan. Itong lila na kakanin na naliligo sa gata ay binudburan ng asukal, at kung paminsan ay keso. Masarap na panghimagas ito habang dumadampi ang malamig na hangin ng Disyembre sa balat.

  1. Bibingka

merienda bibingka

Likhang-sining ni Geneva Garcia/TomasinoWeb.

Gaya sa isang sikat kanta ng Ben&Ben, siguradong magiging mas memorable ang inyong Misa De Gallo kapag hinain na ito. Kadalasan itong may mantikilya sa ibabaw, at kung minsan, may itlog na maalat na palaman ito para mabalanse ang tamis at alat. Siguradong mapapawi ng mainit na Bibingka ang lamig ng gabi, lalo na kapag sinabayan ito ng mainit na kape.

  1. Maja Blanca

merienda maja blanca

Likhang-sining ni Geneva Garcia/TomasinoWeb.

Hindi lamang puto bumbong at bibingka ang mga kadalasang inihahanda tuwing Pasko, nandiyan rin ang maja blanca. Itong putahe na minana pa natin sa mga Kastila ay madalas hinahaluan ng gatas, asukal at mais. Bagama’t hindi ito kabilang sa tradisyonal na mga sangkap, sigurado namang mas nakapagbigay ng natatanging lasa.

  1. Biko

merienda biko

Likhang-sining ni Geneva Garcia/TomasinoWeb.

Isa ito sa mga pinakatanyag na uri ng kakanin dahil kahit saan at kahit kailan, maaari mo itong mabili. Kadalasang nilalako nang naka-kariton, kasama ang iba pang bilao ng mga kakanin, siguradong mapapawi nito ang inyong gutom at pagod. Ito ay gawa sa malagkit na kanin, gata, at asukal na pula na binubudbutan ng latik sa ibabaw.

  1. Sapin-sapin

merienda sapin sapin

Likhang-sining ni Geneva Garcia/TomasinoWeb.

Kulay pa lang ng kakaning ito, walang duda, sapin-sapin na talaga ang maituturing na bida ng piyesta! Ang kakaning ito ay katulad din ng mga unang nabanggit dahil gawa rin ito sa galapong at gata. Ngunit, ang nagpapaespesyal sa sapin-sapin ay ang tatlong magkakapatong na lasa ng ube, langka, at keso. Ang pagsasama ng tatlong lasa ay higit pang pinasarap ng kondensadang gatas at gata.

  1. Puto

merienda puto

Likhang-sining ni Geneva Garcia/TomasinoWeb.

Hindi nga maipagkakaila na ito ang pinakasikat na kakanin sa mga bata. Bukod sa ito ang pinakamadaling hanapin, nakakaakit din ang iba-iba nitong kulay na may timplang pandan at ube. Madalas sa mga puto ngayon ay nilalagyan ng keso sa ibabaw upang gumawa ng tamang kombinasyon ng alat at tamis. Bukod sa pagiging merienda, kilala rin ito bilang kapares sa dinuguan.

Sa panahon na ang mga nauuso na panghimagas ay mga banyagang pagkain tulad ng churros, donuts, at waffles, ilan na lang ba ang mas pipiliin ang mga nakagisnan na meriendang kakanin? Ang mga kakanin ay pagpapakilala ng makulay na kultura ng mga Pilipino, kaya nararapat lang natin itong tangkilikin!

Comments

Continue Reading

Trending