Connect with us

Blogs

Agosto 2020: Heto nanaman tayo!

Ano nga ba ang nangyari ngayong buwan?

Published

on

Siyam na buwan nang nilalabanan ng buong mundo ang pandemyang ito, pero hanggang ngayon, palala nang palala lamang ang kalagayan Pilipinas at ng mga Pilipino. Bukod sa krisis na hinaharap natin sa aspeto ng kalusugan, nadadagdagan pa ang mga isyu sa larangan ng politika, pati na rin ang pangkalahatang pakikitungo ng mga tao sa isa’t isa.

1. Dalawang daang libong kaso ng COVID sa Pilipinas

Jilson Tiu/CNN Philippines

Noong Hulyo, iginiit ng Kalihim ng Kalusugan na naging matagumpay ang Pilipinas sa pagpapababa ng kaso ng COVID-19 mula pa noong Abril. Nagkaroon pa nga ng depinisyon ng mga termino kung ano ba ang kaniyang ibig sabihin sa ‘flatten the curve.’ Subalit, Agosto na at patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng positibo sa sakit na ito. Sa kasulukuyan, mahigit dalawang daang libo na ang may COVID-19 at mahigit tatlong libo na ang pumanaw dahil dito. 

Naibalita rin kamakailan na higit sa apat na libong natalang kaso ng Covid-19 ang tinanggal ng Kagawaran ng Kalusugan sapagkat nadoble raw ang pagkakatala nito at higit sa tatlong daang naitala na gumaling mula sa sakit ay pumanaw pala. Enero pa noong unang naitala ang kauna-unahang positibo sa Covid-19 sa bansa natin at hanggang ngayon hindi pa rin naaayos ang sistema ng pagtatala ng mga aktibong kaso at mga gumaling na mula sa sakit.

2. Ang pagnanakaw ng labing limang bilyong piso

Litrato galing sa Rappler

Noong bagong luklok pa lamang si Pangulong Duterte, mariin ang kaniyang prinsipyo tungkol sa mga kurakot sa gobyerno. Ayon sa kanya, “One whiff of corruption, and you’re out.” 

Pumutok ngayong buwan ang balita tungkol sa korapsyon sa PhilHealth, kung saan nasangkot ang mga ehekutibo sa labing limang bilyong pisong fraud scheme. Bago pa man magsimula ang ikalawang pagdinig sa Senado, ipinaalam ng punong ehekutibo ng PhilHealth na si Ricardo Morales ang kanyang hindi pagdalo rito sapagkat siya raw ay sumasailalim sa chemotherapy

Sa kasagsagan naman ng pagdinig ng kaso, isang bidyo na nagpapakita ng isang mistulang nightclub sa opisina ng kapwa ehekutibo at kasangkot na si Paolo Perez ang ipinalabas sa Senado. Ayon kay Senador Richard Gordon, ang naturang bidyo ay kinunan noong kaarawan ni Perez. 

Kamakailan lamang, inabisuhan ng pangulo si Morales na magbitiw mula sa kanyang posisyon para na rin mapagtuunan niya ng pansin ang pag-aalaga sa kanyang kalusugan. Bukod kay Morales, nagbitiw din sa posisyon ang bise presidente ng legal affairs ng PhilHealth na si Rodolfo del Rosario Jr.

3. Ostrich na nakawala sa kalsada

Litato galing sa DENR via PDI

Ang mga hayop na nakitang pagala-gala sa kalsada ng mga siyudad sa Pilipinas ay naging usapan din ngayong buwan. Nahalintulad ang ganap na ito sa pelikulang Jumanji kung saan mayroon ring mga kakaibang mga hayop na pagala-gala sa lansangan. 

Noong ika-6 ng Agosto, dalawang ostrich ang namataan sa isang pribadong subdibisyon sa Quezon City. Sa dalawang nakawala, ang isa sa kanila ay namatay dahil sa stress, samantalang ang isa naman ay nasa mabuting kondisyon na kalaunan ay ibinigay ng  may-ari sa pangangalaga ng Department of Energy and Natural Resources (DENR). Ngunit ayon sa DENR, ang mga hayop na tulad ng ostrich ay dapat may permit at rehistrado upang mapunta sa pagmamay-ari ng isang mamamayan. Giit naman ng Philippine Animal and Welfare Society, ang may ari ng mga ito ay dapat managot sa pagkamatay ng naturang hayop. 

Namataan din ang isang baboy na humarang sa isang flyover sa Cebu City, ngunit hindi natukoy kung saan nanggaling ito. Ang mga motorista namang nakasaksi sa pangyayaring iyon ay hindi nag-atubiling tumigil upang maka daan ang baboy pati na rin ang mga humahabol dito. Sa mismong araw din na iyon ay may nakita ring baka sa gitna ng kalsada sa Iloilo.

4. Pagpapatahimik sa boses ng bayan

Bullit Marquez/AP

Ngayong buwan, maraming mga aktibista ang pinatay. Isa na rito si Ka Randy Echanis na natagpuang patay noong ika-10 ng Agosto. Bago ang mga kaganapang ito, nakilala siya sa kanyang mga adbokasiya tungkol sa agrikultura. Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng Komisyon ng Karapatang Pantao, torture ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Kabilang rin sa listahang ito si Zara Alvarez na nakilala para sa kanyang pagsusuri ng mga kaso ukol sa paglabag sa karapatang pantao at ang kamakailang pagsusuri tungkol sa pagpatay at abuso sa Negros. Nag-apila siya para sa protective writs noong 2019, ngunit hindi ito inaprubahan ng korte. Sa kasamaang palad, siya ay naging biktima ng pamamaril ng mga hindi pa nakilalang suspek noong ika-17 ng Agosto.

Noong ika-23 ng Agosto naman, binaril si Bea Milda Ansado ng mga ‘di matukoy na tao. Nakilala siya sa kanyang pag protesta laban sa mga kapitalista na nais kunin ang mga lupang pinangangalagaan ng mga katutubo para sa kanilang mga proyekto.  

Bukod sa tatlong nabanggit, marami pang mga aktibista na naghahangad ng pagbabago sa sistemang hindi matuwid ang napatay at hindi pa rin nabibigyan ng hustisya. Ang paghahangad ba ng reporma ang siyang ikakamatay ng mga Pilipino sa panahon natin ngayon? #StopTheKillings

5. Mga oportunidad sa sining

Litrato galing sa ABS-CBN News

Nagkaroon ng pagtatalo sa social media ukol sa paglunsad ni Michael Pacquiao ng kanyang unang kanta sa publiko. Nagsimula ang kontrobersiyang ito matapos magsalita si Jason Dhakal ukol sa bidyo ni Pacquiao habang nagra-rap. Binigyang linaw niya na hindi mismong si Pacquiao ang hindi niya inaaprubahan, sa halip ay ang sistema na mas pinapaburan ang mga may pribilehiyo. 

Maraming netizen ang nagbahagi ng kanilang opinyon ukol sa paksang ito. Ayon sa kanila,  mas madali para sa mga anak ng tanyag na personalidad tulad ni Michael Pacquiao na makakuha ng iba’t ibang oportunidad upang maibahagi ang kanilang sining sa publiko. Samantala, ang mga walang koneksyon ay naghihirap upang makilala ng karamihan. 

Ginamit ding halimbawa ang ipininta noon ni Richard Gomez na kanyang nabenta ng higit sa isang daang libong piso. Samantala, ang isang matandang nagbebenta ng kanyang likha sa may bangketa sa halagang isang daang piso lamang.

6. Nagpahinga muna si Aunt Julie

Litrato galing sa opisyal na pahina sa Faccebook ni Macoy Dubs

Si Macoy Averilla, o mas kilala bilang Macoy Dubs, ay nagbigay buhay sa isang karakter na si Aunt Julie. Saya at katatawanan ang inihandog nito sa nakararami sapagkat kinakatawan niya ang ibang mga stereotype ng mga ‘titas of Manila.’ Kamakailan lamang ay napagdesisyunan ni Macoy Dubs na ipahinga muna ang kaniyang karakter na si Aunt Julie sapagkat may mga taong pilit i-cancel ito. Paalala ni Macoy, “Cancel the cancel culture, not the good vibes.” 

7. “Permission to Post Form” ng UST Office for Student Affairs (OSA)

Kamakailan lang ay naglabas ng isang memorandum ang Office of Student Affairs ng UST na nagsasabing ang bawat organisasyon sa unibersidad ay kailangan munang paaprubahan sa kani-kanilang mga tagapayo ang mga ilalathalang balita sa kanilang sa mga social media accounts.

Ang balitang ito ay umani ng kontrobersya sapagkat ang likas na tungkulin ng karamihang ng mga organisasyon ay agad-agarang makapaglatlaha ng balita at maaantala lamang ito kung maghihintay pa ng pag-apriba ng kani-kanilang mga tagapayo. Kaya naman, umapila ang iba’t ibang mga tagapamuno ng bawat organisasyon at mga lipon ng mag-aaral sa pagpuksa ng pamantayan na ito.

8. Ang kalusugan ng pangulo

Litrato galing sa Rappler

Noong Agosto 25, iniulat ng doktor ni Pangulong Rodrigo Duterte na malapit na sa unang stage ng kanser ang Barrett’s disease na dinaramdam ng pangulo. Ngunit, binigyang linaw ng Tagapagsalita ng Pangulo na si Harry Roque na walang seryosong dinaramdam ang pangulo sa kasulukuyan at ang tinutukoy daw ng pangulo noong Martes ay noong umiinom pa raw sya ng alak. Binigyang-diin din ni Roque na tumigil na sa pag-inom ang pangulo simula pa noong naluklok na siya sa pwesto upang mapigilan ang paglala ng kaniyang sakit.

9. Transportasyon para sa mga frontliner

Litrato galing sa ABS-CBN News

Mula noong sumailalim sa quarantine ang bansa, naging limitado ang mga pampublikong transportasyon sa mga kalsada. Ang ibang mga kailangang pumasok sa kani-kanilang trabaho ay pinili na lamang magbisikleta papasok. Kasama na rito ang mga frontliner na kinakailangang pumunta sa mga ospital upang mapaglingkuran ang mga Pilipinong nangangailangan ng tulong medikal laban sa COVID-19. 

Sa pagpasok nila sa trabaho ay hindi maiiwasan ang peligro sa daan, lalo pa’t bisikleta lamang ang kanilang sinasakyan sa mga malalaking kalsada. Isa na rito ang nars na si Renz Jayson Perez na nasawi sa isang hit-and-run sa Maynila. Subalit, hindi lamang siya ang frontliner na nadisgrasya habang nagbibisikleta sa lansangan. Noong Hunyo pa lamang ay naging diskusyon na ang pagkakaroon ng mga bike lane sa mga pampublikong kalsada. May mga grupo rin na nagkaroon ng inisyatibo upang magtatag ng mga pop-up bike lane, ngunit hindi ito inaprubahan ng MMDA.

10. Bubble trouble

Christine Annmarie Tapawan/TomasinoWeb

Nang nalaman sa social media ang biglaang pag-alis ni CJ Cansino mula sa UST Men’s Basketball Team, maraming miyembro ng ibang koponan ang nag-tweet upang maging kasapi ang naturang manlalaro. Kinalaunan ay nasabing sa Unibersidad ng Pilipinas lilipat ang dating Tiger King. 

Matapos ilantad ni Cansino ang mga detalye tungkol sa kaniyang paglisan sa koponan, iba’t iba pang mga isyu ang sumunod matapos ang insidenteng ito. Nahantong pa ito sa paggawa ng komite upang imbestigahan ang training bubble  ng UST MBT na naganap sa Sorsogon at tignan kung lumabag ba ito sa mga alituntunin na inilunsad ng pamahalaan simula noong unang idineklara ang lockdown sa Luzon.

#WalangIwananUST Plug

Inspired by the call of The Growling Tigers of UST to show our well-known love and solidarity with our athletes, the UST Tiger TV created this video plug for the #WalangIwananUST campaign.

University of Santo Tomasさんの投稿 2020年8月28日金曜日

Kamakailan lang ay naglunsad ng kampanyang #WalangIwananUST ang unibersidad. Layon nitong magbigay suporta sa mga Tomasinong manlalaro at panatilihing positibo ang pangkalahatang tono sa usapang atleta.

Sa paglipas ng mga buwan ay halos hindi pa rin bumubuti ang kalagayan ng bansa. Hanggang ngayon, isinusulong ng mga mamamayan ang pagkakaroon ng mass testing pati na rin ang pagpapahalaga sa ating mga frontliner sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga benepisyo tulad ng maayos na transportasyon at sapat na hazard pay. 

Hirap na nga tayong bigyan ng solusyon ang Covid-19, daragdag pa rito ang mga isyung sosyal at politikal. Bawat buwan na lumilipas ay patuloy na hangad ng masa ang pag-unlad. Pero wala, heto na naman tayo, wala nang nagbago.

Comments

Blogs

Cramming Playlist: Buzzer Beats

Yeah, it’s big brain time.

Published

on

Artwork by Ayeesha Panotolan

The most dreadful time of the semester is here and with it comes every student’s best friend: cramming. We all know that it’s an ineffective and unhealthy way to retain information. Yet, we still choose to condense weeks worth of lectures into hours of late night study sessions because it somehow still gets the job done. 

Studying in the wee hours of the morning means you need something to keep you and your brain awake and functioning. Below, we’ve compiled a playlist that will surely get those neurons firing as you burn the midnight oil.

 

Comments

Continue Reading

Blogs

12 tweets hyping up the Lady of Sorrows pubmat

And the Grammy goes to… Chromatica!

Published

on

"Lady of Sorrows" poster grabbed from the official Facebook page of the University

Today, the University published a poster commemorating the day of the Lady of Sorrows. As a Catholic university, it has always been a practice of the University to publish publicity materials about the Catholic Church’s feasts, traditions, and holidays. However, the Lady of Sorrows poster had more to offer other than the photograph of Mama Mary. What does the Twitter-verse have to say about it?

Here are some tweets that that hyped up the Lady of Sorrows pubmat:

1. An iconic upgrade.

Comic Sans MS is nowhere to be found! 

2. And the Grammy goes to… Chromatica!

I know you’re rooting for this iconic album too.

3. Ah, ah, ah!

The Lord and Mama Mary love us like that! 

4. Time to hype the party!

Wait, are we going to cry or…?

5. Time to light these bad boys up.

They said to each other, “Did not our hearts burn within us while he talked to us on the road, while he opened to us the Scriptures?” (Luke 24:32)

6. And she spoke of the truth!

It really does, I swear.

7. There’s an uncanny resemblance, right?

Aren’t we all inspired by someone or something?

8. Don’t you just miss the good days?

Time to bust out those moves soon, sister.

READ  Some of the Best by The Superficial Gazette of the Republic of the Philippines

9. Sing it with me!

I’m a hundred percent sure you sang the next lines!

10. *Saves to Pinterest board*

Don’t tell me I’m the only one who did this.

11. Response?

We’re going to need the energy UP tonight.

12. Stream Papuri sa Diyos Remix

Prepare your dancing shoes! You’re going to bust some moves.

Whether one is religious or not, everyone can admit that the pubmat is comical yet well done at the same time. Today, Twitter truly had a laugh while touching up hints on pop culture references. All jokes aside, may we celebrate what the 15th of September is truly about: the day of the Lady of Sorrows.

And together we say, “Amen”.

 

Comments

Continue Reading

Blogs

The 12 types of people in quarantine

We’re pretty much sure you’re #8 in the list.

Published

on

Artwork by Patricia Jardin/TomasinoWeb

The pandemic has kept people indoors and isolated from their day-to-day lives. While cabin fever set in for some, others have thrived in being able to stay in the comfort of their homes. 

Being productive while in quarantine has been a major challenge for everyone ever since it began. With normal workflows being disrupted, we had to find ways to keep our minds working amidst the recent events that have taken over the world. With that said, being productive isn’t just about continuing the grind, it could also mean finding the time to heal in all aspects of our lives.

These limitations gave birth to personalities that we did not know we had; for others, the personality they wished they could always show. Here we list down the different types of people in quarantine.

1. The news bulletin

Source: GIPHY

There might be some who feel burdened and tired by the daily news cycle, but these people are not one of them. Glued to the TV or the updates on their phones and computers, they’re the kind to stay on top of the news as it happens. These people are the ones we rely on for updates, even if it means talking to them is like listening to primetime news.

2. The health secretary

Source: GIPHY

Going hand-in-hand with the news buff, these are the types of people we can trust with the latest safety tips and tricks against the pandemic. They keep up-to-date with recent studies, at-home advice, and ideal precautions to keep themselves and everyone safe. Like the news bulletin, we can rely on them to help inform us on how to stay safe during this pandemic.

3. The quarantine entrepreneur

Source: GIPHY

Quarantine brought upon limitations, but these people have found business opportunities while at home. They’ve created different products or services that people can make use of while at home. For some, it has also been a way of helping communities by donating portions of their sales to charities and relief efforts. From delicious desserts to affordable online services, these people have kept on the hustle during the quarantine.

4. The house executive

Source: GIPHY

While the lockdowns meant work had to stop for most, these people continue the work at home. Often seen in an online meeting in Zoom, Teams, or Meet, they carry on with their job in what some argue to be a less stressful environment. At the same time, they also become sources of entertainment in calls when random background events occur.

5. The (at-home) gym rat

Source: GIPHY

Who said you had to skip your summer bod this year? With more time indoors than ever before, these people prefer to use their time to whip their body back to shape. Having less distractions, they’ve managed to find a workout plan to stick with using all the equipment at their disposal.

6. The quarantine chef

Source: GIPHY

If there was anything we loved watching more than comedy skits and dance challenges, it would be cooking videos. With people spending more time in the kitchen this quarantine, more recipes have come out to inspire our quarantine chefs to put their aprons back on. We can bet on these people to wow us with their cooking on our tables or on our smartphones when they post their cooking online.

7. The vlogger

Source: GIPHY

While most people are content with enjoying content, these people have been inspired to make them. You’ve probably seen some of your friends start a YouTube channel during this quarantine period and maybe even shared their videos in support. These people make their quarantines more interesting by exploring their creativity and producing content for friends, family, and the world to enjoy.

8. The TikToker

Source: GIPHY

Perhaps the young and hip cousin of the vlogger, these are the people who have decided to get in on the trend and produce TikTok videos. Similar to previous platforms like Vine, TikTok makes it easier to produce fun and quirky content that’s much shorter than its YouTube counterparts. Whether it’s TikTok dances or comedy skits, these people have joined in on the fun on the trending social media platform in their spare time.

9. The Netflix guide

Source: GIPHY

If the last two entries featured people who make content in quarantine, these people are the ones more content with consuming them. Finally having the time to sit back and go through their Netflix library, these people have become very reliable guides for what movie or show to watch next. Whether you’re looking for heart-wrenching dramas, light and witty romcoms, or serious and brooding thrillers, they’ve got just the thing for you.

10. The digital shopaholic

Source: GIPHY

Lockdowns may have caused malls and shopping centers to temporarily close, but these people have decided to take their business elsewhere. They find themselves spending most of their time browsing through flash deals and free shipping specials looking for the best deals. With packages coming in on almost a daily basis, these people have endeared themselves to the delivery crew in their area.

11. The Zen master

Source: GIPHY

Being at home this quarantine means you get to be in the one place you’re most familiar with. While others try to stay active physically, these people use the comfort of their homes to engage themselves mentally and emotionally. They’re the ones we probably don’t hear a whole lot from this quarantine but when we do, it’s often to hear realizations and reflections about themselves and the world around them.

12. The couch potato

Source: GIPHY

Perhaps the most recognizable and most relatable, these people are the ones that just enjoy the break from it all. These people simply enjoy sleeping in, staying in bed, or just relaxing in their own little spaces. They relish in the simpler things in life, choosing to just take a good break from all the work and stresses that they’ve had before.

The pandemic has left us with a constant feeling of uncertainty about our future. Monthly bad news and toxic arguments in social media have made us feel bogged down and burnt out. 

Regardless of the means, what’s most important is that we take care of ourselves physically, mentally, and emotionally. Whether that’s by doing physical and mental activities or simply taking a well-deserved break, what matters most is that we keep ourselves afloat. 

At the end of the day, our part in staying at home is the best we can do to not only help ourselves but also everyone around us against this pandemic.

Comments

Continue Reading

Trending