Ika-18 ng Agosto, 2012—Ipinalabas ng Communication Arts Student Association ang Bwakaw, isang kalahok ng Cinemalaya, sa Benavides Auditorium, UST high school building. Panauhin sa pagpapalabas ang mismong direktor ng pelikula na si Jun Lana, nagtapos ng Communication Arts sa pamantasan.
Gumanap bilang Rene, isang matandang bakla, sa comedy-drama na ito si G. Eddie Garcia. Nagsisimula na siyang mamuhay nang mag-isa sa kanyang mga nalalabing araw nang kupkupin niya ang isang askal, si Bwakaw. Ang atensyon niya sa kanyang buhay ay nalayo sa sarili nang malaman ni Rene ang malubhang kalagayan ng aso.
Isinulat ni Juan Miguel G. Villon
Litrato kuha ni Jenzine Inah M. Alcantara
