UAAP75saTW: Tigers, tagumpay sa unang round

TomasinoWeb August 19, 2012 0
UAAP75saTW: Tigers, tagumpay sa unang round

     Mula sa malamyang ikalawang kanto, umalagwa ang University of Santo Tomas Growling Tigers sa huling isang minuto na laban upang maiposte ang isang come-from-behind victory kontra sa Adamson University Falcons, 61-60, sa pagtatapos ng unang round ng UAAP season 75 men’s basketball sa Smart-Araneta Coliseum kanina. Dahil sa panalong ito, kapantay na ng Tigers sa liderato ng torneo ang defending champion na Ateneo Blue Eagles tangan ang 6-1 na baraha.