Itinakas ng UST Tiger Cubs ang manipis na 54-52 panalo kontra Ateneo Blue Eaglets matapos na kumunekta ang pampanalong tres ni Alru Cubilla sa pagpapatuloy ng aksyon ng ika-74 na edisyon ng UAAP Juniors Basketball sa Blue Eagle Gym Martes ng Hapon. Muling pinangunahan ni Nicko Bahia ang bataan ni coach Allan Ascue sa kanyang 13 puntos.
